Monday, October 8, 2007

AGOS NG ILOG!!!!.....

Dati nung high school pa ako ayoko na may subject kami na computer dahil hindi pa ako marunong noon pero ngayon medyo marunong na ako kaya hindi na ako natatakot kaya lang yung ibang ginagawa sa computer tulad ng powerpoint ay ayoko dahil kahit na tinuruan na ako noong ako'y nasa sekundarya, hindi ko naman naintindihan kung paano ito gawin.
Ngayong ako ay nasa kolehiyo na ay medyo nadadagdagan pa ang aking kaalaman kasi dati hirap akong magtype sa computer pero ngayonhindi na masyado kaya lang nasanay naman ako na isang kamay lang ang ginagamit sa pagtatype kasi dati gumagamit ako ng typewriter at isa lang ding kamay ang ginagamit ko siguro nasanay na ako na isang kamay lang ang gamitin kaya siguro sa final exam namin hindi masyadong mataas ang makuha kong marka. Dahil hindi ako sanay na dalawang kamay ang gamitin kasi pakiramdam ko mas mabagal ako kapag dalawang kamay ang ginagamit ko. Tsaka dito sa computer na subject ko alam ko na ngayon kung ano yung tinatawag nilang hardware at software kasi dati kapag naririnig ko iyon, napapaisip tuloy ako kung ano nga ba iyon pero ngayon alam ko na kung ano iyon. Nalaman ko rin kung ano yung input/output, e-commerce, blog, podcast, at siyempre kahit na medyo mahirap intindihin yung Number System kasi nakakalito talaga. Kaya itong isinusulat ko ay isang blog article para sa blog ko kasi proyekto namin ito sa computer at masaya rin ako dahil tapos na ako para sa proyekto namin sa paggawa ng mga blog article na ipopost ko.......
Kaya kung dati ayoko ng computer ngayon gusto na dahil gustong gusto ko na laging magyoutube lalong-lalo na yung mga kanta. Sana nga meron akong sarili computer kaya lang hindi kaya ng mga magulang ko na bumili ng isang computer. Pero kahit ganunpaman sana ay marami pa akong matutunan sa computer para hindi naman ako mahuli sa mga taong mas maraming alam na bagong teknolohiya. Sana rin ay masanay na ako na dalawang kamay ang gamitin sa pagtatype.
Kaya para sa mga takot sa bagong teknolohiya huwag kayong matakot at dapat nating matutunang tanggapin ang mga pagbabago sa ating kapaligiran at dapat matuwa tayo dahil ang bagong teknolohiya ay nagsisilbing tanda na tayo ay umuunlad. Pero huwag ding magpakaadik sa computer kasi masama rin ang epekto nito lalo na kung ikaw ay isang mag-aaral.
Tayo nang matuto ng bagong teknolohiya at sumabay sa agos ng buhay!!!!!!.......

No comments: