Wednesday, October 17, 2007

Top 5 blog!!! in BSBA

1. Lenny Tulabing
2. Adrian Tecmon
3. Ken Historillo
4. Princess De Vera
5. Maricel Gammad
Makulay ang buhay kaya pasalamat kayo sa akin kasi kasama kayo dito!!!!!!!!..............................


Monday, October 8, 2007

AGOS NG ILOG!!!!.....

Dati nung high school pa ako ayoko na may subject kami na computer dahil hindi pa ako marunong noon pero ngayon medyo marunong na ako kaya hindi na ako natatakot kaya lang yung ibang ginagawa sa computer tulad ng powerpoint ay ayoko dahil kahit na tinuruan na ako noong ako'y nasa sekundarya, hindi ko naman naintindihan kung paano ito gawin.
Ngayong ako ay nasa kolehiyo na ay medyo nadadagdagan pa ang aking kaalaman kasi dati hirap akong magtype sa computer pero ngayonhindi na masyado kaya lang nasanay naman ako na isang kamay lang ang ginagamit sa pagtatype kasi dati gumagamit ako ng typewriter at isa lang ding kamay ang ginagamit ko siguro nasanay na ako na isang kamay lang ang gamitin kaya siguro sa final exam namin hindi masyadong mataas ang makuha kong marka. Dahil hindi ako sanay na dalawang kamay ang gamitin kasi pakiramdam ko mas mabagal ako kapag dalawang kamay ang ginagamit ko. Tsaka dito sa computer na subject ko alam ko na ngayon kung ano yung tinatawag nilang hardware at software kasi dati kapag naririnig ko iyon, napapaisip tuloy ako kung ano nga ba iyon pero ngayon alam ko na kung ano iyon. Nalaman ko rin kung ano yung input/output, e-commerce, blog, podcast, at siyempre kahit na medyo mahirap intindihin yung Number System kasi nakakalito talaga. Kaya itong isinusulat ko ay isang blog article para sa blog ko kasi proyekto namin ito sa computer at masaya rin ako dahil tapos na ako para sa proyekto namin sa paggawa ng mga blog article na ipopost ko.......
Kaya kung dati ayoko ng computer ngayon gusto na dahil gustong gusto ko na laging magyoutube lalong-lalo na yung mga kanta. Sana nga meron akong sarili computer kaya lang hindi kaya ng mga magulang ko na bumili ng isang computer. Pero kahit ganunpaman sana ay marami pa akong matutunan sa computer para hindi naman ako mahuli sa mga taong mas maraming alam na bagong teknolohiya. Sana rin ay masanay na ako na dalawang kamay ang gamitin sa pagtatype.
Kaya para sa mga takot sa bagong teknolohiya huwag kayong matakot at dapat nating matutunang tanggapin ang mga pagbabago sa ating kapaligiran at dapat matuwa tayo dahil ang bagong teknolohiya ay nagsisilbing tanda na tayo ay umuunlad. Pero huwag ding magpakaadik sa computer kasi masama rin ang epekto nito lalo na kung ikaw ay isang mag-aaral.
Tayo nang matuto ng bagong teknolohiya at sumabay sa agos ng buhay!!!!!!.......

Monday, October 1, 2007

BAGONG YUGTO NG PAG-AARAL!!!!!......

Lahat ng mga bata ay gustong makatapos ng pag-aaral dahil marami ang naniniwala na kapag nakatapos ng elementarya hanggang sa kolehiyo ay madali kang makakahanap ng trabaho pero pang hindi naman laging totoo iyon dahil merong mga taong kahit nakatapos na ng pag-aaral ay wala pa ring mahanap na trabaho. Ako rin gusto ko ring makatapos ng pag-aaraldahil gusto kong tulungan ang aking mga magulang na mapagtapos din ng pag-aaral ang aking mga kapatid. Gusto ko rin na mapagaan ang buhay nila dahil matagal na silang hirap sa buhay kaya nga hindi rin sila nakatapos ng pag-aaral dahil sa kakulangan sa pera. Kay ako ngayon sinisikap ko na makapasapara makatapos ako ng dahil alam ko na kahit nahirap na hirap na ang nanay ko sa pagtratrabaho pinipilit niyang kumita ng pera para lang makapag-aral ako, kaya bilang anak dapat akong mag-aral ng mabuti dahil ito lang ang tanging maipapamana ng aking mga magulang at dahil din kapag nakatapos ako ng pag-aaral matutulungan ko na rin ang nanay ko. Kay ng aminsan naiisip ko na sana naging mayaman na lang ako para hindi ako napapagod sa kakaisip na dapat akong makatapos ng pag-aaral, pero sa tining ko mas maganda na rin yung nagmula ako sa mahirap na buhay kasi kahit na bata pa ako alam ko na yung mga dapat at hindi dapat kasi habang ako ay lumalaki ay natatak na sa aking isipan ang hirap ng buhay ng isang mahirap. Pero siguro kung naging mayaman ako baka walang pagpupursige ang tumanim sa akin dahil baka isipin ko na huwag seryosohin ang pag-aaral dahilwala naman akong problemang pinansiyal, hindi tulad ng nabuhay ako sa hirap tumanim na sa isip ko na dapat akong magsikap para gumanda ang kinabukasan ko. Kaya ng ang makatapos ako ng sekundarya masaya ako dahil malapit na rin akong makatapos ng pag-aaral pero meron pa ring kaba sa pagpasok ko sa baong yugto ng pag-aaral bilang isang kolehiyala. Dati talaga takot akong pumasok sa kolehiyo dahil sa mga naririnig ko sa ibang tao na nagsasabing mahirap daw mag-aral sa kolehiyo. Pero ngayon napatunayan kong totoo nga na mahirap mag-aral sa kolehiyo pero ganunpaman sisikapin kong makatapos ng kolehiyo dahil kahit anong hirap na dumating pipilitin kong malampasan ito. Dahil kong magtitiyaga ako at mag-aaral ng mabuti ay makakatapos naman ako ng kolehiyo at makakamit ko na ang inaasam-asam kong diploma. Tulad ngayon katatapos lang ng Midterm exams namin pero marami na naman kaming proyektong dapat gawin at papalapit na rin ang final exams.
Hay naku!!!... nakakapagod talaga ang mag-aral lalong-lalo nasa kolehiyo na ako pero kahit ganunpaman ayos lang dahil nga sa kasabihang "Kapag may tiyaga, may nilaga", kaya kung magsisikap ako makakatapos rin ako ng pag-aaral at makukuha ko na ang inasam ko na diploma na maghahatid sa akin sa isang magandang kinabukasan hindi lang para sa akin kundi pati na rin sa aking pamilya.
Kaya kayo mga kapwa ko istudyante ay dapat na mag-aral ng mabuti, At huwag nating isawalang bahala ang mga hirap ng ating mga magulang na tayo'y pagtapusin ng pag-aaral.
Kaya natin ito!!!!!...........

Ano daw!!!... WIKIPILIPINAS

Ano ba ang wikipilipinas? Ikaw alam mo ba kung ano ang WIKIPILIPINAS. Nung una di namin alam kung ano ang WIKIPILIPINAS, pero nung nakita na namin ang WIKIPILIPINAS ito pala ay isang Philippine Encyclopedia na kung saan pwede kang gumamit ng ibat-ibang dayalekto sa paghanap ng mga kahulugan ng mga salita. Pero hindi ko pa kailan ito nagamit kasi ang laging ginagamit ko ay Wikipedia para sa mga proyekto sa eskwelahan.Nakakatawa pa kasi nung unang araw na magbablog kami puro walang bakanteng computer sa mga computer shop pero may nahanap kami kaya lang hindi rin naman kami nakapagblog kasi may praktis pa kami ng cheerdance sa Sports center at saka walang pumapasok sa utak namin kung ano ang ita-type namin sa blog. Kaya pumunta na lang kami sa praktis pero iniisip ko pa rin yung sa blog kasi wala pa rin akong nagagawa at iniisip ko rin yung exam namin sa finals sa computer yung pabilisang magtype at nung sabado nga nagpraktis kami magtype nung una 85 ang nakuha ko tapos sunod 90 na, sana nga ay mataas ang makuha kong marka para sa final exam namin. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung tungkol sa WIKIPILIPINAS kasi iniisip ko kung anong article ang pwede kong isulat tungkol sa WIKIPILIPINAS. Pero para sa akin kahit na hindi ko pa ito nagagamit malaking tulong ito para sa lahat ng mga Pilipino lalong-lalo na yung mga batang kakailanganin ito at dahil din dito mapapadaling gamitin ito ng mga kababayan nating may ibang dayalekto tulad ng mga bisaya at iba pang dayalekto. Kaya dapat tayong magpasalamat sa mga bumuo nitong WIKIPILIPINAS at sana gamitin ito ng mga kapwa nating Pilipino. Dahil dapat nating tangkilikin ang gawang pinoy. Yan ang pinoy!!!... mahal at ipinagmamalaki ang pagiging Pilipino.

Kaya natin yan, di ba pinoy ka!!!!!........

Wednesday, September 19, 2007

Hard works, Hard to finish!!!

WELCOME!!!!......

Today is a very bad day for me because I have so many things to do like our project in business plan,case study and proposal in investigatory project. Before I thought that being a college student is very hard but in the first month that I have stayed in Pamantasan ng Lungsod ng Marikina, I feel that it is not so hard like everybody said. But now I have realized that they are right in what they have told to me before. Also this week is our midterm exams and I'm so tired of thinking what should I do first.Thanks to God, that I had finished our proposal in investigatory project at least my projects have been lessen. But I have to review the subjects of National Science and Economics. In National Science the coverage of our long test are Taxonomy, Cellular Metabolism and Animal and Plant tissues while in Economics the coverage of our quiz is section one to ten of Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988. Also I have to prepare my first blog post because it is our project in the subject of computer. Then I will do first my personal blog on a scratch of paper and after that I will review the topics in National Science and Economics. Then I go to our school and take the exams.Then our class finish at 2:00 pm and we talk about the exams and everybody said that the exams were not easy. But for me it is not so hard like what they have said, but I hope that I can finish all my projects in time.
Thanks to God!!!!!!!...................