Monday, October 1, 2007

BAGONG YUGTO NG PAG-AARAL!!!!!......

Lahat ng mga bata ay gustong makatapos ng pag-aaral dahil marami ang naniniwala na kapag nakatapos ng elementarya hanggang sa kolehiyo ay madali kang makakahanap ng trabaho pero pang hindi naman laging totoo iyon dahil merong mga taong kahit nakatapos na ng pag-aaral ay wala pa ring mahanap na trabaho. Ako rin gusto ko ring makatapos ng pag-aaraldahil gusto kong tulungan ang aking mga magulang na mapagtapos din ng pag-aaral ang aking mga kapatid. Gusto ko rin na mapagaan ang buhay nila dahil matagal na silang hirap sa buhay kaya nga hindi rin sila nakatapos ng pag-aaral dahil sa kakulangan sa pera. Kay ako ngayon sinisikap ko na makapasapara makatapos ako ng dahil alam ko na kahit nahirap na hirap na ang nanay ko sa pagtratrabaho pinipilit niyang kumita ng pera para lang makapag-aral ako, kaya bilang anak dapat akong mag-aral ng mabuti dahil ito lang ang tanging maipapamana ng aking mga magulang at dahil din kapag nakatapos ako ng pag-aaral matutulungan ko na rin ang nanay ko. Kay ng aminsan naiisip ko na sana naging mayaman na lang ako para hindi ako napapagod sa kakaisip na dapat akong makatapos ng pag-aaral, pero sa tining ko mas maganda na rin yung nagmula ako sa mahirap na buhay kasi kahit na bata pa ako alam ko na yung mga dapat at hindi dapat kasi habang ako ay lumalaki ay natatak na sa aking isipan ang hirap ng buhay ng isang mahirap. Pero siguro kung naging mayaman ako baka walang pagpupursige ang tumanim sa akin dahil baka isipin ko na huwag seryosohin ang pag-aaral dahilwala naman akong problemang pinansiyal, hindi tulad ng nabuhay ako sa hirap tumanim na sa isip ko na dapat akong magsikap para gumanda ang kinabukasan ko. Kaya ng ang makatapos ako ng sekundarya masaya ako dahil malapit na rin akong makatapos ng pag-aaral pero meron pa ring kaba sa pagpasok ko sa baong yugto ng pag-aaral bilang isang kolehiyala. Dati talaga takot akong pumasok sa kolehiyo dahil sa mga naririnig ko sa ibang tao na nagsasabing mahirap daw mag-aral sa kolehiyo. Pero ngayon napatunayan kong totoo nga na mahirap mag-aral sa kolehiyo pero ganunpaman sisikapin kong makatapos ng kolehiyo dahil kahit anong hirap na dumating pipilitin kong malampasan ito. Dahil kong magtitiyaga ako at mag-aaral ng mabuti ay makakatapos naman ako ng kolehiyo at makakamit ko na ang inaasam-asam kong diploma. Tulad ngayon katatapos lang ng Midterm exams namin pero marami na naman kaming proyektong dapat gawin at papalapit na rin ang final exams.
Hay naku!!!... nakakapagod talaga ang mag-aral lalong-lalo nasa kolehiyo na ako pero kahit ganunpaman ayos lang dahil nga sa kasabihang "Kapag may tiyaga, may nilaga", kaya kung magsisikap ako makakatapos rin ako ng pag-aaral at makukuha ko na ang inasam ko na diploma na maghahatid sa akin sa isang magandang kinabukasan hindi lang para sa akin kundi pati na rin sa aking pamilya.
Kaya kayo mga kapwa ko istudyante ay dapat na mag-aral ng mabuti, At huwag nating isawalang bahala ang mga hirap ng ating mga magulang na tayo'y pagtapusin ng pag-aaral.
Kaya natin ito!!!!!...........

No comments: